Lugmok sa putik and tirahan ko
Barong barong lamang ang kaya ko
Munting paraisong tagpi tagpi
Gawa sa yero at plastik na tinupi
Munting pangarap ko ay magbago
Pagkat ang buhay ko ay magulo
Pagmamahal ang tanging hanap ko
Kailan kaya ito matatamo?
Nang ika’y dumating mundo’y sumaya
Pagkat sigla ang iyong dala
Binuo muli aking pamilya
Lahat kami ay napuno ng tuwa
Kaya’t ngayon bukay ko’y pagmasdan mo
Napakaiba sa mundong kinagisnan ko
Tagpi tagping yero ngayo’y wala na
Masayang pamumuhay ngayo’y nakamit na
Dahil kay kristo naging matiwasay
Ang buhay ngayo’y mayroon ng saysay
Kaligayahang hanap ngayo’y natamo
Magsimula, Buhay GK Buksan Mo!
GKarebears
February 25, 2007
GK Onyx